Ika-2 Pangulo ng Pilipinas Unang Pangulo ng Komonwelt
Panahon ng Panunungkulan
Nobyembre 15, 1935 - Agosto 1, 1944
Bise Presidente Sergio Osmeña
PredecessorEmilio Aguinaldo (position restored. 1935)
Successor Sergio Osmena
KapanganakanAgosto 19, 1878 Baler, Aurora
KamatayanAgosto 1, 1944 Saranac Lake, New York, Estados Unidos
Partidong politikalCoalición Nacionalista (1935-1938); Nacionalista Party 1938-1944
AsawaAurora Aragon
PropesyonAbogado
RelihiyonKatoliko
Si Manuel Luis Quezon y Molina ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo. Bagamat hindi kinilala ng ibang bansa ang naunang Republica Filipina na siyang pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, si Quezon ay itinuturing ng mga Filipino bilang ikalawang Pangulo lamang ng bansa, sumunod kay Aguinaldo. Si Quezon ay tinatawag ding “Ama ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.
Claro M. Recto
Kilala bilang Don Claro, siya ay isinilang sa Tiaong, Tayabas (ngayon ay Quezon) noong 8 Pebrero 1890 subalit lumaki sa Lipa, Batangas. Ang kanyang mga magulang ay sina Claro Recto Sr. at Micaela Mayo, kapwa taga-Batangas.
Ang mga unang taon ng kanyang pag-aaral ay tinapos niya sa Instituto de Rizal sa Lipa. Pagkatapos ay nag-enrol sa Ateneo de Manila, kung saan ay naipakita niya ang kanyang kahusayan at katalinuhan. Sa Ateneo de Manila ay nagwagi siya sa mga literary contests at kinilala ang kanyang kahusayan sa mga araling akademiko. Katulad ni Jose Rizal, natamo niya ang pinakamataas na karangalan nang magtapos niya ng digring Bachelor of Arts noong 1909. Tinapos niya ang abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas bilang Valedictorian at kaagad nang sumunod na taon ay naipasa niya ang pagsusulit sa bar kung kaya't siya ay naging ganap na manananggol.
link
https://www.google.com/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwig6cmy75TKAhXIG5QKHZu9CLEQjRwIBw&url=https%3A%2F%2Flipatourism.wordpress.com%2Fculture%2Flipasoldgentry%2F&psig=AFQjCNEXHYVeNXH7nJ0gPUumag3S_VywyQ&ust=1452158834126088
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Manuel_L._Quezon
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Talaksan:QuezonUS.jpg
https://tl.wikipedia.org/wiki/Claro_M._Recto
Commenti