pista ng pahiyas
Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon ng imahe ni san Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan.
Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, Pinaghahandaan na
Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa lalawigan ng Quezon ay nagsagawa ng consultative meeting ang Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) na pinangunahan ni Unang Ginang Anna Villaraza Suarez noong March 2, 2015 sa Bulwagang Kalilayan sa lungsod ng Lucena.
Ang pagpupulong ay upang pagplanuhan at isaayos ang gagawing general assembly ng mga kababaihan sa Quezon kasama ang mga maybahay ng mga alkalde.
Ang Araw ng Aurora ay ang pagdiriwang ng pagkakatatag ng lalawigan na idinaraos sa araw din ng kapanganakan ng maybahay ng Dating Pangulong Manuel L. Quezon na si Aurora A. Quezon. Tampok dito ang Suman Festival, isang linggong pagdiriwang na kinatatampukan ng pagpapamalas ng mga produkto ng lugar lalo na ng suman.Ang Aurora ay dating bahagi ng Quezon. Sa katunayan, ang pangalan ng lalawigan na “Aurora” ay nagmula sa pangalan ng maybahay ni Pangulong Manuel L. Quezon na si Aurora A. Quezon. Ang Aurora ay natuklasan ng mga Kastila noong 1856 at tinawag na Distrito ng El Principe, Nueva Ecija.
links
https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwimo5bDzY_KAhVEIaYKHYq_C4cQjRwIBw&url=http%3A%2F%2Fsimarkusmarkokoypo.tumblr.com%2Fpost%2F23538779601%2Fits-more-fun-sa-pista-ng-pahiyas&psig=AFQjCNEWT-nlSWBF-SwHkRkperqajoPk2Q&ust=1451977457069596
https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwin0NbszY_KAhWi5KYKHXF-CVQQjRwIBg&url=http%3A%2F%2Ftambayquezon.blogspot.com%2F2015%2F11%2Fmga-kapistahan-sa-quezon.html&psig=AFQjCNEWT-nlSWBF-SwHkRkperqajoPk2Q&ust=1451977457069596
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Pista_ng_Pahiyas
http://www.quezon.gov.ph/homepage/?info=viewarticle&id=844#sthash.mDrj6Txw.dpuf
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Araw_ng_Aurora
Kommentare